“Patawad anak”
Angelica Yulo, mother of two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, breaks down in tears as she apologizes to her son on Wednesday, August 6. Accompanied by her lawyer Raymund Fortun, the matriarch addressed the issues that hounded their family and asked for a private settlement of their differences.
Liham ng isang ina.
Magandang umaga muli. Ako po si Mrs. Angelica Yulo. Ang nanay ni Carlos Yulo. Ako po ay narito para ipahayag ang aking huling pananalita hinggil sa girian sa aming pamilya at ng panig ng anak ko kasama ang kanyang gf na si Chloe San Jose. Umabot pa kasi ito sa nakakaalarmang sitwasyon dahil buong sambayanan alam na at naka-abang na sa mga susunod na salita ng bawat isa kung kailan dapat ‘yung ganitong hindi pagkakaunawaan nawa’y nananatili lamang pribado at inaayos a personal na paraan.
Hindi ako perpektong ina at alam ng Diyos na hindi ka din perpektong anak at walang perpektong pamilya.
Walang ibang hangad ang isang ina kundi ang ikabubuti ng kanyang anak at sa bawat miyembro ng pamilya.
Sa paraan na marahas, maingay, sana maunawaan mo na ang intensyon ko ay malinis. Ako ay isang ina, nasaktan dahil ang mabait na anak na pinalaki ko ng maayos at mabuting tao ay hindi na nakikinig sa mga paggabay ng magulang.
Kung mali man ang naging pagpuna ko sa nobya mo, humihingi ako ng patawad dahil nanay lang ako na nag-aalala. Matanda ka na kaya mo, bukas ang aming pintuan sa tahanan, may pera ka o wala kung nanaisin mong bumalik sa amin.
Hindi na pwedeng bawiin ang nasabi. Ang amin lang, handa na ako at ang papa mo na mag-usap tayo na bukas ang loob na may pang-unawa ano mang oras na handa ka pag-uwi mo upang maayos ito.
Hindi kailangan ng ibang tao na malaman ang mga alitan dahil hindi nila alam ang buong kwento at hindi nila ito lubos na nauunawaan.
Ganun pa man humihingi ako ng patawad sa’yo at sa sambayanan sa mga nasabi ko sa interview.
Pagod at puyat ako sa kapapanood sa’yo ng mga panahon na ‘yon, di makatulog sa tuwa kahit tapos na ang iyong laban.
Hindi ako nakapagisip ng mabuti ng nirapido ako ng mga tanong ng mga reporter tungkol sa bagay na dapat tayo lang ang nag-ayos, patawad anak.
Naiintindihan ko na maaring tignan ng iba na kaya lamang ako nagsasalita ngayon ay dahil sa iyong tagumpay at kasaganaan. Ako ay nagsasalita para ilagay na sa katahimikan ang issue.
Bukas ang pintuan para pag-usapan ng personal na wala nang galit. Hindi man humantong sa pagkabuo ng pamilya, nawa’y mapanatili natin ang respeto sa isa’t isa at sa dignidad ng pamilya.
Kung hindi man tayo magka-ayos sana sa pagdating ng panahon, maunawaan ang aking panig, intensyon at hindi ang ingay.
Ang pamilya iisa lang ‘yan at laging andiyan lang para sa isa’t isa sa kabila ng anumang pagsubok o alitan.
Ito’y pilit nating unawain hanggang wala na tayong maisip kung hindi ang mag-ayos siguro.
At sa sambayanan naman, sana ay ipagdiwang na lang natin ang tagumpay ng anak ko. Gumawa ang anak ko ng kasaysayan para sa ating bansa.
Lahat tayo ay magpasalamat kay Caloy para sa karangalang iuuwi niya para sa bayan.
Sana pagkatapos ng panayam na ito titigil na ang lahat at matatahimik na ang bawat partido. Ang mga sugat ay kusa namang maghihilom sa paglipas ng panahon pero pipiliin naming humilom kami sa pribado at mapayapang pamamaraan.
Caloy, congratulations sa iyong tagumpay, mahal na mahal ka naming lahat.